Pages

Monday, March 8, 2010

Pero Bogs shinota mo ko eh.. Shinota mo ang bestfriend mo...!


Bogs: Hindi... Hindi totoo yun... Hindi kita mahal?? Hindi kita mahal??

Mae: Mahalaga lang siguro pero hindi mahal.

Bogs: Mae huwag kang ganito.. Huwag ganito.. Kung di kita mahal bat ako nasasaktan na makita kitang kang ganyan?

Mae: Bogs minahal mo ba talaga ako? O sinubukan mo lang akong mahalin para hidi rin kita iwan? Ano ba talaga ang totoo?

Bogs: Ganong klaseng tao ba ako Mae? Isusunugal ko ang friendship natin..? Gagawin kitang panakip butas tapos ano? Para ano? Isinugal ko dahil mahal kita... Kaya lang---

Mae: Ayan!.. Dyan tayo sumasablay Bogs eh.. Sa kaya lang... Laging may kaya lang... Never naging simpleng "mahal kita Mae".. Yun lang naman ang gustong marinig ng kahit sino diba?
Bakit di mo magawa sa akin yun.. Bogs walang namilit sayo--- walang may nagmakaawa sayo.. Sinabi ko lang naman sayo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayan itago yun... Bogs sana lumayo ka nalang... Sana umiwas ka lang maiintindihan ko pa yun.. Pero Bogs shinota mo ko eh.. Shinota mo ang bestfriend mo... At nang bumalik si Anna, pinatalo mo ang lahat.. Ipinatalo mo ang lahat pati ako.. Pati ako pintalo mo! Congratulations.. Congratulations kasi natalo tayo.

7 comments: